sana….
January 24, 2007by cath.. 
Sana parang laro na lang ang buhay
para bukas, pwede mo pang bawiin ang natalo mong kahapon.
Un nga lang, maari din mabago
ang ipinanalo mong kasalukuyan..
Sana isang puno na lang ang pag-asa para kahit maubos ang bunga,
may panahon pang darating na muli itong mamumulaklak at mamumunga.
Un nga lang, maari din itong sumuko sa paulit-ulit na pagkabigo ng namuo mong paghanga..
Sana hawak ko ang oras
para pwede kong balik-balikan
ang naging panahon nating dalawa.
Un nga lang, kahit gano ko pa naisin, hanggang sa pag-alala na lamang ako.
Dahil kahit pa hawak ko ang mundo, dko kayang baliktarin ang puso mo upang mahalin ulit ako.
All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.









